Wednesday, November 08, 2006

DEEP PAIN... :(




masakit... oo masakit.. lam mo kung bakit?

hindi mo alam?

masakit pala na makita mo ang isang taong pinahalagahan mo ng todo pero sa huli iiwan ka rin nya pala.. hindi ko alam kung paano ko gagawing panatag ang sarili ko.. hindi ko alam kung paano pipigilan ang bawat luha na walang sawang dumadaloy sa aking mukha...
paano ko gagawing matatag ang sarili ko kung sa bawat kilos ko lalo akong nasasaktan?

ayoko nang umiyak.. sawa na ako.. sawang sawa na.. napapagod din ako..
sa dinami-dami ng mga nanakit sa akin, aaminin ko ikaw lang nakapagpaganito sa akin... ang galing mo! hanga ako sayo! binabati kita dun!

ngayon ko lang na napatunayan na hindi lahat ng tao sa paligid mo, kasama mo hanggang sa huli.. darating yung panahon na kailangan ka nyang iwan para lang sa isang mababaw na rason..
kahit alam mo na wala kang kasalanan, nababagabag ka pa rin kasi hindi mo alam kung anong gagawin mo..

lagi kong iniisip.. baka naman ako ang mali.. baka naman ako yung nang-iwan.. baka naman ako hindi marunong umintindi... baka naman ako lang ang maarte... baka naman ako yung manhid.. Mahirap magsalita ng tapos.
naiinis ako sa sarili ko.. eto ang kahinaan ko.. sabi nila ang dali ko daw patawanin hindi nila alam na madali din akong paiyakin.. madali lang.. sana madali din akong patahanin...

hindi ko alam kung hanggang kelan ako magiging ganito.. malungkot.. ang alam ko lang kahit papaano may susuporta sa akin.. sa kabila ng lahat, marami pa rin akong masasandalan... makakapitan.. mapagkakatiwalaan..
sa ngayon, sa kanila ko pa naramdaman na talagang mahal nila ako.. hindi katulad mo, puro ka pangako....

sa kanila natutunan ko na kahit ano mangyari walang iwanan
sila ngayon ang nagbibigay ng lakas sa akin.. Kaya ko gusto gumising at ipagpatuloy ang buhay ko kasi alam ko andyan sila para pasayahin ako.. Andyan sila para ibalik ang mga ngiti sa labi ko…

salamat sa kanila kasi lagi nila akong binibigyan ng lakas ng loob. Nung sinabi nila na hindi nila ako pababayaan naniwala ako at binigay ko sa kanila ang tiwala ko.

Iba sila, hindi katulad mo. Pinakikita nila sa akin na mahal nila ako at nararamdaman kong bawat galaw at salita ko pinahahalagahan nila.
hindi ko alam kung paano sila pasasalamatan... napakalaking utang na loob ko sa kanila..

Ayokong mag-isa. Ayokong umasa lalo na kung wala naman akong inaasahan.
Kung isang araw humingi ka sa akin ng patawad, hindi ko alam kung anong gagawin ko.. sa totoo lang masakit mang aminin naging parte ka na ng buhay ko..

Alam ko may pagkukulang din ako.. pero siguro naman may karapatan akong magalit diba? Pareho tayong may kasalanan. Pareho tayong nasaktan. Pareho lang tayong nagmamatigas. Pareho tayong naguguluhan. Sa ngayon awa nalang ang nararamdaman ko sayo. Hindi na ako umaasang babalik pa yung dati nating pinagsamahan pero sana mapatawad kita.

YUN LANG.

Sana mapatawad kita. Hindi man maibalik yung dati nating samahan, kahit papano hindi tayo maiilang diba? Pero ako kaya mapatawad mo?


No comments:

ngiti ko ang iyong galak

ngiti ko ang iyong galak
langit ko ang iyong pagluha

OTHER SIGHTS!

click mo to -----> LiveJournal eto pa -----> Multiply click lang ng click... :)